Presyo ng petrolyo dapat bumaba na ngayong linggo - DOE
MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Department of Energy (DOE) ang posibleng pagbaba sa presyo ng petrolyo sa bansa ngayong linggo. Hindi naman nagbigay ng eksaktong numero si Energy Secretary Jose Rene Almendras dahil sa kinakailangan umanong hintayin muna niya ang galaw ng mga kompanya ng langis bago sila magkomento. Ibinase ng DOE ang inaasahang pagbaba sa presyo ng petrolyo sa umaayos nang kalagayan ng Japan na hindi na masyadong nangangailangan ngayon ng krudo, pagbubukas ng ilang refineries sa Tsina at South Korea. Inaasahan na bababa ang mga presyo ng premium, unleaded at regular gasolina, diesel, at kerosene habang inaasahang mananatili naman ang presyo ng “liquefied petroleum gas (LPG)”.
- Latest
- Trending