^

Metro

Ex-military dedo sa pulis

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Patay ang isang dating sundalo matapos itong makipagbarilan sa isang bagitong pulis nang magtalo ang mga ito hinggil sa batas trapiko kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Francis Nepomuceno, 38, ng Brgy. Tonsuya ng nabanggit na lungsod, sanhi ng tama ng bala sa katawan buhat sa .9mm na baril.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si PO1 Benedict Antaran, 25, nakatalaga sa District Public Safety Battalion­ (DPSB) ng NPD.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8:55 ng gabi sa kahabaan ng Leoño St., Brgy. Tañong, Malabon City habang sakay ang biktima ng kanyang XRM motorcycle (3535PI).

Pinasok umano nito ang Leoño St. na one-way dahilan upang mabangga naman nito ang motorsiklo ng pulis. Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na nauwi sa hamunan ng barilan. Kapwa armado ng baril ang dalawa na nag-duelo at makalipas ang ilang sandali ay tumimbuwang ang dating sundalo.

Agad na tumakas ang suspek kung saan ay naiwan nito ang kanyang motorsiklo.

AYON

BENEDICT ANTARAN

BRGY

DAHIL

DISTRICT PUBLIC SAFETY BATTALION

FRANCIS NEPOMUCENO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KAPWA

MALABON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with