^

Metro

Magbabarkada, naglaro ng baril, 1 dedo

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Hindi inakala ng magbabarkada na isa sa kanila ang masasawi nang pag­laruan ang isang paltik na baril at pumutok sa ulo ng kanilang kasamahan, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Hindi na umabot ng buhay sa Manila Sanitarium Hospital ang biktimang na­kilalang si Dave Dollete, 17, ng no. 1750-F Kuyengkeng St., Pasay City. 

Agad namang sumuko ang kasamahan nito na siyang may hawak ng baril na nakilalang si Aron Cimafranca, 21, ng no. 1856 Tangkian St., ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay police, naganap ang insidente dakong ala-1:10 ng mada­ ling araw sa kahabaan ng Tangkian St. 

Naglalakad ang bikti­ma, suspect at dalawang kabarkada na sina Kevin Casas, 20 at Mico Arenas, 17 nang ilabas umano ni Cimafranca ang kalibre .22 na paltik at ipinagmalaki sa mga kasamahan.

Pinaglaruan pa umano ng suspect ang baril nang bigla itong pumutok at minalas na tinamaan si Dollete sa ulo. 

Pinagtulungan namang isinugod ng mga kabarkada ang biktima sa pagamutan.

Nahaharap sa kasong ho­micide at illegal possession of firearms and ammunitions si Cima­franca.

ARON CIMAFRANCA

CIMAFRANCA

DAVE DOLLETE

DOLLETE

F KUYENGKENG ST.

KEVIN CASAS

MANILA SANITARIUM HOSPITAL

MICO ARENAS

PASAY CITY

TANGKIAN ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with