^

Metro

2 patay sa pagkabagok ng ulo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Posibleng internal hemorrhage ang dahilan ng pagkamatay ng dalawang lalaki matapos na maganap ang magkahiwalay na insidente sa Sta. Ana at San Miguel, Maynila, ini­ulat kahapon.

Dead-on-arrival si Rodolfo Samortin, 45, ng no. 1868 Int. 17-A Francisco St., Sta Ana. Maynila sa Sta. Ana Hospital nang suntukin ng suspect na si Ruel Ramirez, 26.

Ayon kay Insp. Armand Macaraeg, hepe ng MPD-Homicide Section, dakong alas-7:00 pa ng gabi nang maganap ang panununtok ng suspect kay Samortin dahil lamang sa pagtatalo sa isang papag na yari sa kahoy. Lasing umano ang biktima at daldal ng daldal at inagaw ang papag sa suspect hanggang sa uma­bot sa mainitang pagtatalo hanggang sa suntukin ng  suspect ang biktima at mabagok ang ulo.

Samantala, patay rin kahapon ang 59-anyos na lolo nang humampas ang ulo matapos itulak noong Biyernes Santo ng  mister ng kaniyang nakaalitang babae, sa San Miguel, Maynila.

Biyernes ng madaling- araw dakong 12:30  nang magtalo ang biktimang si Rogelio Salita, residente ng no. 289 Acacia St. San Miguel, Maynila at hindi pa nakikilalang babae.

Dito nakialam si Danilo Castro, 26, sidecar boy na asawa ng babae at tinulak ang biktima na natumba at nabagok ang ulo.

A FRANCISCO ST.

ACACIA ST. SAN MIGUEL

ANA HOSPITAL

ARMAND MACARAEG

BIYERNES SANTO

DANILO CASTRO

HOMICIDE SECTION

MAYNILA

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with