^

Metro

Gapos gang umatake ng Sabado de Gloria

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinasok ng tatlong armadong lalaki ang  isang bahay at iginapos ang may-ari nito bago tina­ngay ang mga ari-arian nitong nagkakahalaga ng P265,000 at isang kotse sa Malate, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Sa reklamo ng biktimang si Adrian Marasigan, ng no. 1258 Estrada  St., Malate,  Maynila sa   Manila Police District - Theft and Robbery Section, dakong alas-7:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng kanyang bahay.

Nagulat siya ng pumasok ang tatlong lalaki at tinutukan umano siya ng baril. Sa takot ay hinayaan na lamang niyang igapos siya ng mga suspect at busalan ang bibig at nakita niyang nililimas ang mahahalagang kagamitan.

Kabilang din sa nata­ngay ng mga suspect ang .45 caliber pistol  na may tatlong magazine at kulay itim na Toyota Camry (XTW-644) at ‘di mabatid na halaga ng cash, alahas at iba pang mahahalagang gamit.

vuukle comment

ADRIAN MARASIGAN

KABILANG

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

NAGULAT

PINASOK

THEFT AND ROBBERY SECTION

TOYOTA CAMRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with