4 miyembro ng Akyat-Bahay Gang arestado

MANILA, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng apat-katao na sinasabing miyembro ng notoryus na Akyat-Bahay Gang matapos maaresto ng pulisya kahapon ng madaling-araw.

Kabilang sa mga nadakip na suspek ay sina Dave Irvin Pelina, 20; Reynaldo del Rosario, 23, kapwa tricycle driver at dalawang menor-de-edad na may edad, 15 at 17, pawang nakatira rin sa nabanggit na lugar.

Nadakma ang mga suspek matapos ang follow-up operation kaugnay sa reklamo ng negosyanteng si Rosalinda O. Fernandez, 64, ng Pampanga Street, Solis Extension, Tondo, Maynila noong Abril 20.

Sa ulat ni P/Supt. Ernesto Barlam, lumilitaw na pinasok at nilooban ng mga suspek ang bahay ng negosyante matapos magbakasyon sa Bulacan noong Semana Santa.

Sa follow-up operation sa Lico at Pampanga Street sa Tondo sa pangunguna ni P/Insp. Jeffrey Dall, PO3 Napoleon Reyes, PO2 Rennel Perez at PO1 Jessie Rabonel ay nadakma naman ang mga suspek sa pakikipag-ugnayan kay Chairwoman Josie­ Lozano ng Barangay 210,  Zone 19, District 2.

Tinangay ng mga suspek ang isang baril, ilang pirasong dolyares, mga alahas at P.5 milyong cash na nakalagay sa locker. 

Show comments