^

Metro

Magagalang na public servants ng Maynila pinarangalan

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinarangalan kamakailan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang ilan sa mga magagaling na kawani at konsehal ng City Hall bunga ng pagbibigay ng serbisyo sa publiko at sa kanilang nasasakupan.

Ilan lamang sa mga kawani ng city hall na tumang­gap ng parangal ay sina Chief of Staff Ric de Guzman; People’s Tonight Reporter Itchie Cabayan; Consultant for satellite offices Ritchie Laurel; Manila Traffic and Parking Bureau chief, Nancy Villanueva; Barangay Chairman Thelma Lim; Manila Barangay Bureau Assistant Director Romeo Dela Vega; City Engineer Armand Andres at mga konsehal na sina Niño dela Cruz,1st district; Rod Lacsamana, 2nd; Re Fugoso, 3rd; Josie Siscar, 5th at Beth Rivera,6th.

Ayon kay Lim, ang mga nabanggit na personalidad ay walang sawang tumutulong sa publiko sa abot ng kanilang makakaya. Aniya, bihira ngayon sa mga public servant ang nagbibigay ng tulong ng walang kapalit.

Ang mga nabanggit ay bahagi din ng Lingap Inyong Maaasahan (LIM) na proyekto ng pamahalaang lungsod ng Maynila kung saan patuloy ang pagbibigay ng mga serbisyong medical, usaping barangay at daloy ng trapiko .

Samantala, bukod sa na­turang parangal, tumatanggap pa rin ng commendation si Dela Vega mula kay Lim matapos nitong tulungan ang isang estudyante na patungo Amerika upang dalawin ang kanyang ama. Nabatid na hinihingan umano ng ilang tauhan ng immigration ng halagang P50,000 si Fatima Noreen Capati ng La Consolacion College upang ayusin ang kanyang papel na tatagal ng tatlo hanggang anim na buwan. Subalit sa tulong ni dela Vega, naayos ang papeles ni Capati ng walang ibinibigay na halaga.

Giit ni Lim na si Dela Vega ay huwaran na dapat pamarisan ng ibang kawani ng pamahalaan.

BETH RIVERA

CHAIRMAN THELMA

CHIEF OF STAFF

CITY ENGINEER ARMAND ANDRES

CITY HALL

DELA VEGA

FATIMA NOREEN CAPATI

JOSIE SISCAR

LA CONSOLACION COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with