^

Metro

Holdaper todas sa pulis

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang pinaniniwalaang notorious na holdaper ang nasawi  matapos itong makipagbarilan sa mga pulis habang nakatakas naman ang dalawang kasama nito nang maaktuhang nanghoholdap ng isang pampasaherong jeep sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang suspect na si  Robin Cruz, 19, ng #1569 Salmon St.,Dagat-dagatan ng nasabing lungsod matapos magtamo ng  tatlong tama ng .9mm caliber pistol sa katawan. Hinahanting naman ng pulisya at inaalam pa ang mga pangalan ng  dalawang nakatakas.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Rick Concepcion, naganap ang insidente dakong 5:30 ng umaga sa harapan ng Hannibal Gasoline Station na matatagpuan sa C-4 Road, Caloocan City.

Nabatid, na unang nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa mga kalalakihan na nakitang may mga dalang baril sa naturang lugar.

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad sa nabanggit na lugar at naaktuhan ng mga ito ang tatlong kalalakihan na nanghoholdap ng isang pampasaherong jeep (TVF-654) na patungong Monumento na minamaneho ni Eduardo Tenoria. 

Mabilis na sumaklolo ang mga awtoridad at pagkakita ng mga holdaper sa mga pulis ay agad na naglundagan ang mga ito mula sa pampasaherong jeep kung saan ay agad na pinutukan ni Cruz ang mga tauhan ng Caloocan City Police.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis at tinamaan si Cruz, na dahilan ng agaran nitong kamatayan habang ma­bilis namang nakatakas ang dalawang kasaman nito.

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CRUZ

EDUARDO TENORIA

HANNIBAL GASOLINE STATION

RICK CONCEPCION

ROBIN CRUZ

SALMON ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with