^

Metro

Leave, day-off ng mga pulis kinansela

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Kinansela ni Acting Manila Mayor Isko Moreno ang lahat ng leave at day-offs ng lahat ng mga pulis ng Manila Police District (MPD)upang ma­tiyak ang seguridad ng publiko kaugnay ng paggunita ng Semata Santa ma­tapos ang ginawang pagpupulong kasama sina MPD director Gen. Roberto Rongavilla, deputy director Col. Alex Gutierrez, mobile chief Maj. Edgar Reyes, traffic bureau chief Maj. Reynaldo Nava, intelligence chief Col. Ernesto Fojas, Jr. at ang 11 station commanders.

Kasabay nito, inutos din ni Moreno ang paglalagay ng 14 na police assistance center sa mga panguna­hing lansangan at boundary partikular sa mga simbahan upang madaling marespon­dehan at mabigyan ng tulong ang publiko.

Maging ang mga K-9 units ay pinakakalat din sa mga  piers, seaports at provincial bus terminals upang alalayan ang mga magsisi-uwi sa kanilang  probinsiya.  

Bunsod nito, naglaan si Moreno ng P50,000 para sa gasoline expenses ng  may 60 patrol cars na magsasagawa ng round-the-clock surveillance at monitoring sa lungsod.   

Giit ni Moreno, mahigpit ang kautusan ni Manila Mayor­ Alfredo Lim na mahigpit na ipatupad ang anti-criminality campaign lalo na sa mga ga­nitong panahon. Dapat pa ring bigyan ng pra­yoridad ang  seguridad at  serbisyo publiko.

Pinayuhan din ni  Moreno  ang publiko na gunitain ng taimtim ang Holy Week at iwasan ang inuman at pakikipag-away.

Samantala half day, naman ang operasyon ng City Hall ngayon upang bigyan ng sapat na oras ang mga empleyadong magsisi-uwi sa kanilang probinsiya.

ALEX GUTIERREZ

ALFREDO LIM

CITY HALL

EDGAR REYES

ERNESTO FOJAS

HOLY WEEK

MORENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with