^

Metro

Hepe ng PS10 pinasisibak press office sinugod

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Hiniling ng pamunuan ng Quezon City Police District-Press Corps kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) director Nicanor Bartolome na sibakin sa puwesto ang hepe ng QCPD-Police Station 10 matapos na lusubin nito ang press office at bulyawan ang mga mamamahayag na nakatalaga dito kahapon.

Ayon kay Almar Dangui­lan, pangulo ng press corps, dumating sa kanilang opi­sina si P/Supt. Crisostomo Mendoza na nakauniporme kasabay ng pahayag na “huwag­ nito akong takutin, hindi ako natatakot sa inyo”.

Sinabi ni Danguilan na hindi man lamang nagpakita ng courtesy si Mendoza nang makipag-usap siya sa grupo at sa halip ay na­numbat pa ito na sila ang nagbabayad ng mga gastusin ng press office kaya’t wala silang ka­ra­patan na salingin ang kanyang posisyon.

Kamakalawa ay naglabasan sa ilang pahayagan ang umano’y panggigipit ni Mendoza sa grupo kung kaya’t sinugod naman ng opisyal ang mga reporters.

Samantala, matapos ang insidente ay kusang nakipag-usap sa miyembro ng QCPD press corps si Mendoza at personal na humingi ng pa­umanhin kaugnay sa naging asal niya nang magtungo sa nasabing tanggapan.

ALMAR DANGUI

AYON

CRISOSTOMO MENDOZA

MENDOZA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NICANOR BARTOLOME

POLICE STATION

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-PRESS CORPS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with