^

Metro

Lola naabo sa sunog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 79-anyos na lola makaraang hindi makalabas at maipit sa naglalagablab niyang bahay na kasamang tinamaan ng sunog na sumiklab kahapon ng madaling araw sa Makati City. Sunog na sunog ang bangkay ni Sonia Soriano Onia nang matagpuan sa ilalim ng kama sa kanilang bahay sa no. 161 20th Avenue, Soriano Compound sa Brgy. East Rembo, ng naturang lungsod. Ayon kay Makati Fire Marshal­ Supt. Ricardo Perdigon, nagsimula ang sunog sa Soriano Compound sa East Rembo dakong alas-4:45 ng madaling araw na kaagad namang na-kontrol matapos itaas sa ikatlong alarma. Ina­kala umano ng mga kapitbahay ng biktima na umalis ng maaga upang dumalo sa misa ang biktima na lagi nitong ginagawa tuwing araw ng linggo kaya’t nagulat na lamang sila nang madiskubre ang kanyang bangkay sa loob ng kanilang nasunog na tirahan.

vuukle comment

AYON

BRGY

EAST REMBO

INA

MAKATI CITY

MAKATI FIRE MARSHAL

NASAWI

RICARDO PERDIGON

SONIA SORIANO ONIA

SORIANO COMPOUND

SUNOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with