Hepe ng QCPD-PS10, nanggigipit ng media
MANILA, Philippines - Binatikos ng mga mamamahayag na nagkokober sa Quezon City Police District (QCPD) ang opisyal ng Kamuning Police Station 10 dahil sa panggigipit nito matapos na magbantang pagpapatupad ng pagbabawal sa mga sasakyan ng media o marked vehicle na ipaparada sa harap ng press office na kanyang nasasakupan.
Ayon kay Almar Danguilan, pangulo ng QCPD Press Corps, ang aksyon ni Supt Crisostomo Mendoza ay malinaw na kawalang respeto sa hanay ng mga media dahil hindi man lamang ito nakipag-ugnayan sa mga mamamahayag para makuha ang opinyon kaugnay dito.
Ipagbabawal na ang mga sasakyan ng media na pumarada sa compound ng PS10 para hindi umano sagabal sa kanilang trabaho.
Ayon kay Danguilan, sa halip na pagtuunan ng pansin ng opisyal ang mga media, mas dapat nitong asikasuhin ang nagkalat na iligal na lotteng, jueteng, bookies at jail-alai sa lugar.
- Latest
- Trending