^

Metro

Dugo-dugo gang sumalakay, P5-M tangay

- Danilo Garcia -

Manila, Philippines - Muli na namang umiskor ang isang grupo ng Dugo-Dugo Gang makaraang matangay ang tinatayang P5 milyong halaga ng mga alahas sa Taguig City.

Dumulog sa Taguig City Police upang iulat ang pagkawala ng kanilang mga alahas ang mag-asawang Carlo at Monique Lopez, kapwa negosyante, ng Grand Hamston II, Global City, ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon ng Taguig City Police, dakong alas-3 ng hapon nang makatanggap ng tawag sa telepono ang kasambahay ng mag-asawang Lopez na si Juliet Cinco. Isang lalaki ang nagsabi na naaksidente umano ang kanyang mga amo at isinugod sa Philippine General Hospital ang among lalaki.

Dinala umano ang among babae sa Manila Police District upang imbestigahan dahil sa pagkakasangkot sa aksidente. Sinabi pa ng tumawag na nangangailangan ang mga amo ng kasambahay ng malaking halaga upang ipambayad sa pagamutan para sa operasyon kaya inutusan ito na kunin ang “jewelry box” na naglalaman ng iba’t ibang alahas na aabot sa P5 milyon ang halaga at dalhin sa isang sangay ng malaking botika sa tapat ng PGH.

Sinunod naman ito ni Cinco kung saan nagkunwari pa umano ang lalaki na pumasok ng compound ng PGH at binilinan siya na umuwi na agad at magbantay sa kanilang bahay.

Natuklasan na lamang ng kasambahay na nabiktima siya ng sindikato nang kapwa dumating ang kanyang mga amo sa bahay at nagtaka ito dahil wala palang nangyaring aksidente sa mag-asawa

Kasalukuyang iniimbestigahan ng awtoridad ang kasambahay na si Cinco upang maberepika ang kuwento nito at upang mabatid kung may kaugnayan ito sa naganap na nakawan.

vuukle comment

CINCO

DUGO-DUGO GANG

GLOBAL CITY

GRAND HAMSTON

JULIET CINCO

MANILA POLICE DISTRICT

MONIQUE LOPEZ

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with