^

Metro

Galing sa lamay, pinatay

- Ni Mer Layson -

Manila, Philippines - Hindi akalain ng isang lalaki na siya naman ang paglalamayan matapos na dumalo sa isang lamay, nang tamba­ngan ng dalawang di kilalang lalaki habang papauwi sa Pasig City kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Larry Docuya, 44, ng Rodrigo Compound, Nagpayong, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City. Tumakas naman ang hindi kilalang suspek.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, lumilitaw na dakong alas-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang krimen sa naturang lugar habang naglalakad ang biktima galing sa isang lamay sa Molave St., nang tambangan ito ng hindi kilalang suspek sa madilim na bahagi ng lugar at apat na ulit na binaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan, gamit ang isang .45 na baril.

Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng krimen at kung sino ang may kagagawan nito, matapos na mabatid na ang ka­patid ng biktima ay tinambangan din at napatay, halos isang taon pa lamang umano ang nakalilipas sa nasabing lugar.

vuukle comment

BATAY

BRGY

INAALAM

KINILALA

LARRY DOCUYA

MOLAVE ST.

NAGPAYONG

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

RODRIGO COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with