^

Metro

Tanggapan ng NFA nilooban

Nila - Ricky Tulipat at Angie­ dela Cruz -

Manila, Philippines - Nilooban ang tanggapan ng National Food Authority (NFA) sa lungsod Quezon kahapon.

Ayon sa inisyal na ulat mula kay NFA spokesman Rex Esto­perez, ang pinasok na tanggapan ay ang public affairs at human resources departments na matatagpuan sa ikatlong palapag ng kanilang tanggapan sa North Avenue, sa lungsod.

Natuklasan ang nasabing panloloob ng mga kawani ng NFA na sina Elna Misa, janitor; at Benjamin Potestades, officer-in-charge ng security guard na papasok na sana sa kanilang trabaho ganap na alas-6 ng umaga. Sinasabing nagtaka ang dalawa nang makitang nakabukas ang pintuan ng nasabing tanggapan at pagpasok nila ay saka nakita ang mga nagkalat na mga drawers na pinag­lalagyan ng mga dokumento at papeles ng naturang opisina.

Ayon sa pulisya, inaalam pa nila kung ano ang mga natangay ng mga suspect sa nasabing opisina, habang ang naturang CCTV ang gagamitin nila para matukoy ang nangyaring panloloob dito.

AYON

BENJAMIN POTESTADES

ELNA MISA

NATIONAL FOOD AUTHORITY

NATUKLASAN

NILOOBAN

NORTH AVENUE

QUEZON

REX ESTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with