^

Metro

Trader sugatan sa akyat-bahay

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang sugatan matapos itong barilin ng isa sa apat na magnanakaw na nanloob sa loob sa kanyang bahay kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Ginagamot sa Fatima Medical Center ang biktimang si Jose Benigas, 43, ng Brgy. Ugong ng nasabing lungsod, isang junkshop owner. Nagtamo ito ng tama ng bala sa tuhod .

Base sa imbestigasyon, naganap ang insi­dente dakong alas-2:30 ng umaga sa loob ng bahay ng biktima habang mahimbing itong natutulog nang maalimpungatan sa narinig na ingay.

Agad na gumising ang biktima at nakita nito ang apat na armadong suspek na nasa loob na ng bahay. Gayunman, nakita rin siya ng mga suspect kaya mabilis itong tinutukan ng baril ng isa habang ang tatlo pa ay patuloy na kinukuha ang mahahalagang gamit ng biktima.

Bago tumakas binaril ng isa sa mga suspect sa tuhod ang biktima.

Tinatayang aabot sa P.6-milyon halaga ng mga alahas at kagamitan ang nakulimbat ng mga suspect.

vuukle comment

BRGY

FATIMA MEDICAL CENTER

GAYUNMAN

GINAGAMOT

ISANG

JOSE BENIGAS

NAGTAMO

TINATAYANG

UGONG

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with