1 pang fetus natagpuan

MANILA, Philippines - Isang lalaking fetus ang natagpuan ng isang street sweeper sa panulukan ng Road 10 at Zaragosa Sts. sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Dakong alas-11:25 ng umaga kahapon nang madiskubre ni Ma. Lourdes Solomon ang kahon ng Zesto na nakabalot sa isang plastic, sa tambak ng basura at nang buksan ay tumambad ang fetus na ayon sa imbestigador ay nasa 4 hanggang 5 buwan na.

May mga bahid ng dugo pa ang fetus na hinihinalang katatapon pa lamang.

Inaalam na rin ni Chairman Nazario Umbro ng Barangay 20, Zone 2 kung sino ang responsible sa pagtatapon ng fetus na posibleng gawa ng abortionist sa lugar.

Show comments