^

Metro

Pulis-Maynila inireklamo ng 'hulidap'

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Ipinagharap kahapon ng mga kasong gun totting, physical injury at robbery sa Manila Pro­secutor’s Office ng dalawang construction workers ang isa sa tatlong tauhan ng Manila Police na diumano’y kumuha ng kanilang suweldo sa isa na namang insidente ng ‘hulidap’ sa Sta. Mesa, Maynila.

Positibong kinilala ng mga complainant na sina Eddie Paglinawan at Panfilo Tuzon, kapwa construction workers, sa komprontasyong naganap kamakalawa sa MPD-General Assignment Sec­tion ang suspect na si PO1 Oliver Sangel, na nakatalaga sa MPD-District Special Project Unit (DSPU). Ang dalawang ka­samahan nito ay hindi pa nakikilala.

Sa reklamong inihain ng dalawa, dakong alas- 9 ng gabi noong Abril 9 nang bigla silang lapitan ng tatlong diumano’y la­laki, natukoy si PO1 Sangel na isa sa mga ito.

Kinapkapan at nakuha umano kay Pag­linawan ang sinuweldo niyang mahigit P1,800 na cash at saka isinakay sila ni Tuzon sa dalang motorsiklo ng mga suspect at pinaikot-ikot sa lugar na hindi nila kabisado hanggang sa ibalik sila sa mismong construction site na kanilang pinapa­sukan.

Hawak umano ng mga suspect si Tuzon at sinabihan si Paglinawan na sabihan ang kanilang Engineer na tubusin ito at kung hindi ay ‘itutumba’ ito. Kinabukasan ay nakauwi na umano si Tuzon nang magdala ng P2,000 ang isang Engineer Busta­mante, isa sa amo ng mga complainant.

Bukod sa dalawang biktima, sinabi ni Engi­neer Bustamante sa me­dia na marami nang reklamo ang kaniyang cons­truction workers hinggil sa pang-aabuso umano ng mga pulis.

Mariin namang itinanggi ni PO1 Sangel na isa siya sa tatlong nangikil at nang­hulidap sa mga cons­truction worker.

DISTRICT SPECIAL PROJECT UNIT

EDDIE PAGLINAWAN

ENGINEER BUSTA

GENERAL ASSIGNMENT SEC

MANILA POLICE

MANILA PRO

OLIVER SANGEL

SHY

TUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with