^

Metro

Barangay kagawad utas kay lolo

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang barangay kagawad matapos barilin ng dalawang ulit ng isang lolo na retired custom police na nakaalitan nito kahapon ng tanghali sa San Juan City.

Ang biktima ay nakilalang   si Esmeraldo Visca, 48, ng Brgy. Corazon De Jesus, ng nasabing lungsod.

Sumuko na sa mga awtoridad ang suspek na si Angel Zata, 75, biyudo, ng Narciso St., ng nasabi ring lugar.

Naganap ang insidente dakong alas-12:17 ng tanghali sa San Roque St., Brgy. Corazon de Jesus, San Juan City makaraang magkasalubong ang suspek at biktima sa kahabaan ng San Roque St. kung saan ay agad binunot ng suspect ang baril suspek na nakasukbit sa kanyang bewang at saka pinutukan ang nabiglang biktima.

Nauna rito ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang suspek at ang biktima kaugnay ng pagkawala umano ng halaman ng lolo kung saan ang pinagbibintangan ay ang kagawad ng barangay.

Ang away ay napayapa ng ilang kalugar kung saan ay umuwi na ang suspek ngu­nit lingid sa biktima ay bumalik ito na mayroon nang dalang baril na kalibre 45 saka dalawang ulit na ipinutok sa kagawad.

vuukle comment

ANGEL ZATA

BRGY

CORAZON

CORAZON DE JESUS

ESMERALDO VISCA

NARCISO ST.

SAN JUAN

SAN JUAN CITY

SAN ROQUE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with