Onsehan sa droga, lalaki inutas

MANILA, Philippines - Hinihinalang onsehan sa droga ang motibo sa pagpaslang sa isang lalaki kamakalawa ng gabi sa Quiapo, Maynila. Dead-on-the-spot ang biktima na kinilala lamang sa alyas na Anwar, ng Green Mosque, San Miguel, Quiapo matapos na magtamo ng limang tama ng bala ng cal. 45 sa ulo at dibdib.

Dakong alas-4:20 ng hapon nang dumating ang biktima sa naturang lugar nang biglang pagbabarilin ng nag-iisang suspect. Nabatid na hindi umano residente ng Islamic Center ang biktima.

Show comments