^

Metro

Depositor ng Banco Filipino, nag-suicide

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang depositor ng nagsa­rang Banco Filipino ang iniulat na nagpakamatay sa pama­magitan ng pagbaril sa sarili, kahapon sa Las Piñas City.

Nakilala ang nasawi na si Carmino Mangubat, 49, isang dating seaman, at ngayo’y na­mamasukan bilang family driver at naninirahan sa Block 20 Lot 1 Diamond Street, Veraville Philam Village, Brgy. Talon 2, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon nang madiskubre ang duguang bangkay ng biktima sa pinapasukang bahay ng kanyang amo sa Philam Village, Pamplona 2, ng naturang lungsod.

Katabi ng bangkay ng biktima ang isang suicide note kung saan nakasaad ang mga katagang “Nasira ang buhay ko dahil sa away ng BSP (Bangko Sentral ng Pilipinas) at BF (Banco Filipino). Pagod na ako di makakain at di makatulog. Paalam at patawad po.”

Nabatid pa na may nakadepositong P200,000 ang biktima sa naturang bangko na napu­wersang magsara kamakailan. Ipon pa umano ng biktima ang pera buhat sa pagtatrabaho bilang seaman at kinakailangan na ito ng biktima ngunit hindi ma­kuha. Nawalan na umano ng pag-asa ang biktima na ma­kuha ang pera matapos na kabi-kabilang problema ang suungin nito dahil sa kahirapan.

BANCO FILIPINO

BANGKO SENTRAL

BIKTIMA

BRGY

CARMINO MANGUBAT

DIAMOND STREET

IPON

LAS PI

PHILAM VILLAGE

VERAVILLE PHILAM VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with