2,000 Philhealth cards ipinamahagi
MANILA, Philippines - Ipinamahagi ni Manila Mayor Alfredo Lim sa may 2,000 piling residente ang Philhealth cards na makatutulong ng malaki sa kalusugan ng mga ito. Kasama si Jay dela Fuente, chief ng department of social welfare-Manila, magpapamahagi ni Lim sa mga piling residente mula sa distrito 2, 3, 5 at 6 ng Philhealth cards kung saan babalikatin ng local na pamahalaan ang buwanang premium ng Philhealth cards. Ayon kay Lim, wala nang dapat pang alalahanin ang sinumang gagamit ng card kung saan makakakuha pa ng 30 porsiyento discount pampubliko o pribadong ospital man.
Nabatid kay de la Fuente na ang naturang libreng Philhealth cards, ay regular na ipinagkakaloob ni Lim sa ilalim ng kanyang programang `Tulong Pangkalusugan’. Ipinaliwanag ni dela Fuente na kasama ang gamot, laboratory, room at medical procedures sa diskuwentong ibinibigay sa Philhealth cards. Sa kabuuan umaabot na sa 26,666 ang libreng Philhealth cards na naipapagkaloob sa mga residente ng Maynila at ito ay madadagdagan pa. Ang mabibiyayaan ng libreng Philhealth cards ay iyong mga residente na tutukuyin ng mga barangay na kabilang sa mga pinakamahihirap na residente ng Maynila.
- Latest
- Trending