^

Metro

Total ban sa higanteng billboards sa EDSA

- Ni Da­nilo Garcia -

MANILA, Philippines - Lalong pinag-init ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) ang usapin sa paghihigpit sa “billboards” makaraang ipanukala ang posibilidad na pagba-ban sa mga higanteng billboards sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, maaaring magtakda na lamang ng eksaktong sukat ng billboards na maa­aring ilagay sa kahabaan ng EDSA na hindi magiging panganib sa publiko lalo na kapag may kalamidad.

Ito’y sa kabila ng igini­giit ng mga miyembro ng Outdoor Advertising Association of the Philippines na tumatalima sila sa isinasaad na panuntunan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Building Officials ng mga lokal na pamahalaan kaugnay sa paglalagay ng mga billboards.

Ngunit sinabi ni Tolentino na maraming pamamaraan ang puwedeng ikonsidera ng mga advertisers upang ipakilala ang kanilang mga produkto ng hindi kinakailangang mailagay sa panganib ang buhay at ari-arian.

Nakatakdang isumite ng mga outdoor advertisers ang kanilang posisyon sa naturang panukala makaraan ang ginawang pagpupulong sa pagitan ng mga opisyal ng MMDA at mga advertisers noong Abril 6.

Magugunita na nauna ng pinabaklas ng Simbahang Katoliko ang pina­kamalaking billboards sa panulukan ng EDSA Gua­dalupe sa Makati City kung saan nakatirik ito sa lupang pag-aari ng Our Lady of Guadalupe Seminary.

ABRIL

BUILDING OFFICIALS

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

FRANCIS TOLENTINO

MAKATI CITY

METROPOLITAN MANILA DEVE

OUR LADY OF GUADALUPE SEMINARY

OUTDOOR ADVERTISING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with