MANILA, Philippines - Isang pasyente ng National Center for Mental Health (NCMH) ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti sa loob ng naturang mental institution sa Mandaluyong City kamakalawa ng hapon.
Ang biktima ay nakilalang si Eduard Aldeas, 38, may-asawa, tubong Tiaong, Quezon at kasalukuyang naka-confine sa Unit 2- Isolation Room No. 7 na matatagpuan sa 2nd Floor ng Pavilion IV Forensic Psychiatric Bldg., ng NCMH.
Batay sa ulat ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Mandaluyong City Police, dakong alas-5:10 ng hapon nang madiskubre ng duty nurse na si Grace Saludes ang ginawang pagpapakamatay ng biktima.
Nagsasagawa ng routine check-up si Saludes nang makita nito ang biktima na nakabigti, gamit ang pinagbuhol na pang-itaas nitong uniporme na itinali sa leeg at sa pintuang bakal.
Kaagad namang humingi ng tulong si Saludes sa mga kasamahan upang maisalba ang biktima.