^

Metro

NCMH patient, nagbigti

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Isang pasyente ng National Center for Mental Health (NCMH) ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti sa loob ng naturang mental institution sa Mandaluyong City kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay naki­lalang si Eduard Aldeas, 38, may-asawa, tubong Tiaong, Quezon at kasa­lukuyang naka-confine sa Unit 2- Isolation Room No. 7 na matatagpuan sa 2nd Floor ng Pavilion IV Fo­rensic Psychiatric Bldg., ng NCMH.

Batay sa ulat ng Cri­minal Investigation Unit (CIU) ng Mandaluyong City Police, dakong alas-5:10 ng hapon nang madiskubre ng duty nurse na si Grace Saludes ang ginawang pagpapakamatay ng biktima.

Nagsasagawa ng routine check-up si Saludes nang makita nito ang biktima na nakabigti, gamit ang pinagbuhol na pang-itaas nitong uniporme na itinali sa leeg at sa pintuang bakal.

Kaagad namang hu­mingi ng tulong si Saludes sa mga kasamahan upang maisalba ang biktima.  

vuukle comment

BATAY

EDUARD ALDEAS

GRACE SALUDES

INVESTIGATION UNIT

ISOLATION ROOM NO

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

MENTAL HEALTH

NATIONAL CENTER

PSYCHIATRIC BLDG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with