^

Metro

Kelot arestado sa pangmomolestiya sa nene

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang 23-anyos na lalaki matapos na ireklamo ng umano’y pangmu-molestiya sa 11-anyos na kapitbahay sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Patrick John Martinez, ng Suarez­ Village, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City. Ang suspek ay inaresto bunsod ng reklamo ng 11-anyos na kapitbahay na naganap   dakong alas-6:30 ng gabi kamakalawa.

Nabatid na nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek, upang makipagkuwentuhan sa lola nito.

Gayunman, ang suspek lamang umano ang inabutan ng bata sa bahay kaya’t dito na lamang umano siya nakipagkuwentuhan, dahil kilala rin naman niya ito.

Maya-maya ay niyaya na umano ng suspek ang bata sa loob ng kaniyang kuwarto.

Pumayag naman ang inosenteng bata, ngunit laking pagkagulat umano niya nang pilit siyang hubaran ng short at panty ng suspek, bago ito naghubad din, at saka siya pinaghahalikan.

Pilit rin umanong ipinasusubo sa kaniya ng suspek ang ari nito, at ipinapasok sa kanyang kaselanan, kaya’t nag-iiyak ang biktima. Ikinataranta naman umano ng suspek ang pag-iyak ng biktima kaya’t hindi na nito itinuloy ang ginagawa at sa halip ay pinayagan itong makauwi.

Nagsumbong naman ang biktima sa kaniyang mga magulang, na siyang nag-report sa pulisya at nagresulta sa pagkaaresto sa suspek.

vuukle comment

BRGY

GAYUNMAN

IKINATARANTA

KALABOSO

KINILALA

NABATID

NAGSUMBONG

PASIG CITY

PATRICK JOHN MARTINEZ

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with