^

Metro

17-anyos binoga ng 15-anyos

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondis­yon ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang barilin ng isang 15-anyos na totoy habang ang biktima ay nakikipag-chat sa isang computer shop kamakalawa sa Valenzuela City.

Nasa kritikal na kondisyon at inoobserbahan sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tama ng bala sa dibdib si JunJun Petalio, ng Policarpio St., Brgy. General T. de Leon ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na itinago sa pangalang Toto, ng De Gula Compound ng nabanggit na lungsod.

Sa report ng pulisya, alas-3:00 ng hapon, nakikipag-chat ang biktima sa isang computer shop sa nabanggit na lugar nang pasukin at barilin ito ni Toto.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa nabaggit na pagamutan ang biktima.

Nabatid na bago ang insidente ay hinagisan ng biktima ng pillbox ang grupo ng suspek na naging dahilan upang hantingin ni Toto si Petalio.

vuukle comment

BRGY

DE GULA COMPOUND

GENERAL T

MATAPOS

NABATID

PETALIO

POLICARPIO ST.

VALENZUELA CITY

VALENZUELA MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with