^

Metro

Operasyon ng LRT, balik normal bukas

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na ma­gi­ging fully operational na ang serbisyo ng kanilang mga tren mula sa Balintawak at Roosevelt Station, Quezon City hanggang sa Baclaran, Parañaque City, bukas, Abril 11.

Ayon kay LRTA Administrator Rafael S. Rodriguez, handa na ang dalawang istasyon nito para mag­serbisyo sa publiko matapos ang mahigit na dalawang buwang masusing evaluation at enhancement ng kanilang ope­rational procedures at safety requirements.

Matatandaang pansamantalang natigil ang ope­rasyon ng tren sa Balintawak at Roosevelt Stations matapos ang aksidenteng naganap sa Roosevelt noong Pebrero 18. Nasundan pa ito ng ilang insidente ng aberya ng mga tren.

Ani Rodriguez, talagang pinaglaanan ng LRTA ng panahon ang pagsusuri sa kanilang mga tren upang matiyak na hindi na mauulit pa ang naturang insidente at maihahatid ang kanilang mga pasahero ng ligtas sa kanilang mga destinasyon.

Kaugnay nito, nagpalabas na rin umano ng direktiba si Rodriguez para sa pagpapatupad ng karagdagang safety measures upang hindi na maulit ang nangyaring aksidente sa Roosevelt station na nagbanggaan ang dalawang tren.

ABRIL

ADMINISTRATOR RAFAEL S

ANI RODRIGUEZ

AYON

BACLARAN

BALINTAWAK

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

QUEZON CITY

ROOSEVELT STATION

ROOSEVELT STATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with