^

Metro

Bebot binistay ng bala ng riding-in-tandem

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tatlong tama ng bala ang natamo ng isang babae makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa lungsod Quezon, kahapon ng mada­ling-araw.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang nasawi na si Angela Payumo, 27 ng Gana Compound sa nasabing lungsod.

Agad namang tumakas ang salarin matapos ang pamamaslang.

Nangyari ang insidente ganap na alas-4:30 ng madaling araw sa may Gana compound Brgy. Unang sigaw, Balintawak.

Diumano, papunta sana ang biktima sa tindahan para bumili ng almusal nang biglang lapitan ito ng suspect at pagbabarilin na agad niyang ikinamatay.

Narekober sa lugar ang apat na basyo ng cal. 9mm kung saan nasa tabi pa ng biktima ang pinggan na paglalagyan sana nito ng kanyang bibilhing almusal.

Patuloy ang pagsisiyasat ng kapulisan sa nasabing insidente.

vuukle comment

ANGELA PAYUMO

BALINTAWAK

BRGY

DIUMANO

GANA

GANA COMPOUND

NANGYARI

NAREKOBER

PATULOY

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with