^

Metro

SPO2 Gregorio Mendoza, sumuko sa NBI

- Nila Doris Franche at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Matapos na magpalabas ng warrant of arrest ang Manila court bunsod ng hindi pagdalo sa pagdinig, sumuko na rin kahapon kay Justice Secretary Leila de Lima si SPO2 Gregorio Mendoza ang ka­patid ng napatay na hostage-taker na si Sr. Insp. Rolando­ Mendoza.

Kasama ang kanyang abogado na si Atty. Romulo Macalintal, dakong alas-9:15 ng umaga nang magtungo si Gregorio sa NBI kung saan sinabi nito na ipinasya niyang sa ahensiya sumuko dahil wala umano siyang tiwala sa mga pulis. Ang warrant ay ipinalabas ni Judge Alberto Tenorio.

Ayon naman kay Macalintal, voluntary surrender ang ginawa ni Gregorio dahil nais lamang nitong nasa ilalim ng kustodiya ng NBI.

“Gusto niya makasigurado na ligtas siyang makasusuko,” ani Macalintal.

Pansamantalang nakalaya si Mendoza matapos maglagak ng P100,000 piyansa.

Si Gregorio ay kinasuhan ng serious illegal­ detention at conspiracy bunga ng August­ 23 Manila hostage crisis sa Quirino Grandstand sa Maynila na ginawa ng kanyang kapatid na si Rolando at ikinasawi ng walong Hong Kong nationals.  

GREGORIO

GREGORIO MENDOZA

HONG KONG

JUDGE ALBERTO TENORIO

JUSTICE SECRETARY LEILA

MACALINTAL

MENDOZA

QUIRINO GRANDSTAND

ROMULO MACALINTAL

SI GREGORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with