^

Metro

Malabon fire: 1,000 pamilya nawalan ng tirahan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Mahigit sa isang libong pamilya ang nawalan ng tahanan matapos ang ma­laking sunog na naganap sa Malabon City kahapon.

Dakong alas-2:24 ng madaling-araw nang magsimulang lamunin ng apoy ang bahay ng isang Wilfredo Priel sa Camia St., Barangay Maysilo ng nasabing lungsod.

Dahil gawa lamang sa light materials ang mga bahay ay madaling kumalat ang apoy at nahirapan din ang mga bumbero na apulain agad ito dahil sa masikip na kalsada.

Wala namang napaulat na nasaktan at nasawi sa sunog na umabot sa 5th alarm at idineklarang fire-out dakong alas-7:15 ng umaga.

Tinataya namang aabot sa P2.5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa na­turang sunog.

Agad namang nagpaabot ng tulong si Malabon City Mayor Canuto “Tito” Oreta sa mga naapektuhan ng sunog.

BARANGAY MAYSILO

CAMIA ST.

DAHIL

DAKONG

MAHIGIT

MALABON CITY

MALABON CITY MAYOR CANUTO

ORETA

TINATAYA

WILFREDO PRIEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with