^

Metro

TV host inahas ng kaibigan?

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sinisilip ngayon ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang posibilidad na nakipagsabwatan ang kaibigan ng TV host na si Arnell Ignacio sa pangongotong laban dito sa tatlong pulis, kamakailan.

Ayon kay PNP-HPG Director P/Chief Supt. Leonardo Espina­, palaisipan ang naging kilos ng kaibigan ni Ignacio na si Lulu Parawan matapos maibigay ng TV host ang P50,000 na kinotong ng tatlong parak na kasapi ng HPG-National Capital Region. Sa pagharap kahapon ni Ignacio sa mediamen, inamin mismo ni Ignacio na duda siyang kasabwat ng mga kotong cops ang kaibigang si Parawan.

Inamin ni Ignacio na nagtataka siya kay Parawan dahil paulit-ulit nitong inuusisa kung magkano ang ibinigay niyang pera kina PO3 Jose Llagas, PO3 Noel Pono at PO1 Joel Lasala.

Lumakas ang hinala ni Ignacio na may kinalaman si Parawan sa pangongotong sa kanya nang maalalang minsan nitong nai-kuwento na may boyfriend ito na dating kasapi ng PNP-HPG.

vuukle comment

ARNELL IGNACIO

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

HIGHWAY PATROL GROUP

IGNACIO

JOEL LASALA

JOSE LLAGAS

LEONARDO ESPINA

LULU PARAWAN

PARAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with