^

Metro

African dinukot, pera sa banko sapilitang pina-withdraw

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nabiktima ng mga kilabot na holdaper ang isang Africano makaraang dukutin ng mga armadong lalaki at puwersahang ipa-withdraw sa kanya ang lamang pera ng kanyang bank account bago pinakawalan sa Macapagal Avenue, Pasay City kahapon ng madaling-araw.     

Inaalam pa ang kabuuang halaga ng salapi na nakadeposito sa kanyang mga accounts sa iba’t ibang banko na natangay sa biktimang si Alabamar Quadri, 46, negosyante at naninirahan Dasmariñas, Cavite.

Sa ulat ng Pasay police, dakong alas-2:45 ng madaling araw nang umano’y dukutin si Quadri ng mga armadong suspect nang lumabas siya ng kanyang bahay upang bumili ng pandesal sa may Aquinaldo Highway, Dasmariñas, Cavite.

Isinakay ang biktima sa isang Toyota Fortuner (NQP-135) at saka iginapos ang paa’t kamay. Kinuha ng mga salarin ang pitaka ng biktima na naglalaman ng P6,500 cash, US$2,000, mga ATM cards, gintong relo, gintong bracelet at dalawang cellular phone.

Sapilitang inalam umano ng mga suspek ang pin number ng kanyang mga ATM cards na kanyang binigay matapos na pagbantaan na tuluyang papaslangin. Nagpaikut-ikot muna umano sila hanggang sa makarating sa Taft Avenue at isa-isang winithdraw sa ATM machines ang nakadeposito niyang pera saka nagtungo sa may Macapagal Avenue kung saan siya itinulak pababa ng sasakyan dakong alas-5 ng madaling araw.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente habang inaalam sa LTO kung kanino nakarehistro ang plaka ng naturang sa­sakyan ginamit ng mga suspect.

ALABAMAR QUADRI

AQUINALDO HIGHWAY

CAVITE

DASMARI

MACAPAGAL AVENUE

PASAY CITY

TAFT AVENUE

TOYOTA FORTUNER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with