^

Metro

UE student nagbaril sa sarili

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang 21-anyos na estud­yante ng University of the East matapos magbaril sa kanyang dibdib na tumagos sa likod kamakalawa ng hapon sa Sta. Mesa, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Kenneth John Pabelo, nasa ikalawang taon sa kursong Hotel and Restaurant Manage­ment at residente ng Old Sta. Mesa St., Sta. Mesa.

Ayon sa report, dakong ala-1:00 ng hapon nang ma­diskubre ng kanyang kapatid ang pagpapatiwakal ng bik­tima sa loob ng kanyang silid.

Sinabi ni Jeken Rhyss Pabelo na bago ito, narinig niya ang malakas na putok mula sa silid ng biktima kaya inakyat niya ang kuwarto nito, gayunman naka-lock ang pintuan nito. Dahil dito, sapilitan na nilang binuksan ang pinto at doon nakita ang duguang biktima.

Mabilis itong isinugod sa pagamutan subalit hindi na umabot pang buhay.

Natukoy din na ang may-ari ng baril na ginamit ng nasawi sa pagpapatiwakal ay pag-aari ng isa nilang ka­anak. Hindi naman ma­linaw kung ano ang posibleng mo­tibo sa isinagawa nitong pagpapatiwakal.

vuukle comment

AYON

DAHIL

HOTEL AND RESTAURANT MANAGE

JEKEN RHYSS PABELO

KENNETH JOHN PABELO

KINILALA

MESA ST.

OLD STA

SHY

UNIVERSITY OF THE EAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with