Dalaga inaway ng kinakasama, nagbigti

MANILA, Philippines - Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang 18-anyos na dalaga matapos magtalo ng kanyang kinakasama dahil sa mabahong amoy sa loob ng kanilang bahay sa Valenzuela City kahapon.

Dead-on-arrival sa Valenzuela Hospital si Rheana Plaza, ng Bagong Kaunlaran, Brgy. Paso de Blas ng nabanggit na lungsod. Sa report ng Valenzuela City Police, dakong alas-11:30 ng tanghali nang matagpuang nakabigti ng kumot ang biktima sa loob ng kanilang kuwarto ng ka-live-in na si Bernardo Obidosa Jr.

Nabatid na bago ang insidente, binato ng paso ni Obidosa si Plaza, subalit hindi naman ito tinamaan matapos na magtalo ang dalawa dahil hindi makita ng biktima kung saan nanggagaling ang mabahong amoy sa loob ng kanilang bahay. Iniimbestigahan pa rin ng pulisya kung may naganap na foul play sa insidente.   

Show comments