^

Metro

Kahung-kahong yosi, hinaydyak

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hinaydyak sa ikatlong pagkakataon ang isang kompanya na nagdedeliber ng sigarilyo ng posibleng iisang grupo at ang pinakahuli ay kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.

Dakong alas-11 ng gabi nang marekober ang inaban­donang L-300 aluminum van na kulay puti ( XFE-715) at pag-aari ng IDS Philippines sa Madre Ignacia St., San Andres Bukid, Malate, Maynila.

Sa imbestigasyon, ang kahung-kahong sigarilyo na hindi pa batid ang halaga ay hinaydyak ng mga suspect habang nakatakda itong ideliber umano sa isang lugar sa Makati City.

Ayon pa sa imbestigador, tulad ng insidente ng hijacking sa nasabing kompanya na natangayan din ng delivery nilang sigarilyo noong nakalipas na Marso 28. Narekober na lamang ang van at wala nang laman na inabandona sa erya ng Malate, Maynila dakong alas-2 ng hapon subalit sa bahagi ng Makati City isinagawa ang hijacking.

Hawak na rin umano ng Makati Police o Southern Police District (SPD) ang imbestigasyon.

vuukle comment

AYON

DAKONG

HAWAK

HINAYDYAK

MADRE IGNACIA ST.

MAKATI CITY

MAKATI POLICE

MAYNILA

SAN ANDRES BUKID

SOUTHERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with