Lolo utas sa riot

MANILA, Philippines - Patay ang isang 65-anyos na lolo nang aksidenteng mabaril sa naganap na riot, habang dalawa pa ang sugatan nang magpang-abot ang dalawang grupo ng kabataan kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang nasa­wing biktima na si Alfredo Pingol Sr.

Habang ang mga su­gatan naman ay kinilalang sina Joselito Baalsa, 37; Jun Jun Fermejo, 22; Joshu Orbe, 17, at Jana Panilagan, 27.

Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya laban sa suspect na si Axell Solomon, 18 at isang alyas “Makoy”.

Dakong alas-3:10 ng madaling-araw nang maganap ang riot sa kanto ng Magsaysay at Chesa Sts. sa Tondo.

Kaagad naman rumes­ponde ang mga tanod ng barangay sa lugar upang matigil ang kaguluhan.

Tiyempo naman lumabas ang biktima sa kanilang bahay para bumili umano ng kape sa kalapit na tindahan kung saan ito tinamaan ng bala ng sumpak ng mga suspect.

Show comments