^

Metro

Sumamang mamasada minalas pa: Totoy pisak sa jeep ni itay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang 12-anyos na totoy na sumama sa pamamasada ng ama ang nasawi makaraang madaganan ng pampasaherong jeepney na minamaneho ng kanyang tatay matapos salpukin ito ng isang taxi bago tumagilid sa kalye ng Scout Ybardoloza sa lungsod Quezon kahapon.

Halos madurog ang bu­ngo ng biktimang si Raymond Alabo, dahil sa matinding pagkakadagan ng jeepney sa kanyang ulo na siyang dahilan upang agad itong masawi sa lugar.

Bukod kay Alabo, su­gatan naman ang kanyang tatay na si Gaspar Alabo, 48, at mga pasaherong sina Marielle­ Presidente, 27, Edgar Gomez, 38, at George Gu­tierrez, 28, pawang mga nagtamo ng mga galos at sugat sa kanilang mga katawan.

Sumuko naman sa himpilan ng Traffic Sector 4 ng Quezon City Police ang taxi driver na si Reynaldo Carmona, 51, ng Pangilinan Subdivision, Marikina City.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Henry Luna, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may Sct. Ybardoloza St., corner Sct. Rallos St. Brgy. Sacred Heart sa lungsod ganap na alas 5:30 ng umaga.

Sinasabing minamaneho ni Mang Gaspar ang kanyang PUJ (TXJ-540) sakay ang kanyang anak at tinatahak ang Sct. Ybadoloza galing sa direksyon ng Kamuning nang pagsapit sa Sct. Rallos St., patungong Timog Avenue, ay biglang sumulpot ang matuling takbo ng taxi na minamaneho ni Carmona at salpukin ito.

Ayon sa ulat, sa lakas ng impact tumalsik papalabas ng jeepney ang bata, saka lumagapak sa kalsada, ngunit pagkalapag nito ay tiyempo namang bumagsak sa kanya ang nasabing sasakyan at nadaganan ito.

Sinasabing nagpumilit umanong sumama ang bata sa kanyang tatay sa pamamasada dahil bakasyon naman ito sa eskwela, subalit sinapit nila ang naturang trahedya.

Tumagal ng halos ilang minuto bago tuluyang maialis sa pagkakadagan ng sasakyan ang biktima, saka ito isinugod sa East Avenue Medical center kasama ang ilang sugatan, pero wala na rin itong buhay.

Inihahanda na ang kaso laban sa driver ng taxi.

vuukle comment

EAST AVENUE MEDICAL

EDGAR GOMEZ

GASPAR ALABO

GEORGE GU

HENRY LUNA

MANG GASPAR

MARIKINA CITY

PANGILINAN SUBDIVISION

QUEZON CITY POLICE

RALLOS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with