Nagpatayan dahil sa scrap metal

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang lalake habang sugatan naman ang isa pa matapos na magsaksakan dahil la­mang sa alitan sa kapi­rasong scrap metal sa Quezon City, ayon sa ulat kahapon. 

Hindi na umabot ng buhay sa East Avenue Medical Center si Romeo Ramirez Jr. ng #114 Session Road, Talanay Area B, Brgy. Batasan, Quezon City.

Samantala, ang nanaksak na si Alejandro LLana  Jr., 26, #211 Arba St., Talanay Area ay ginaga­mot naman sa ospital ma­tapos na magtamo rin ng sak­sak sa tagilirang bahagi ng katawan.

Ayon kay PO3 Alden Lasam ng Batasan PNP, naganap ang krimen sa may Arba Street kung saan ang tunay na may-ari ng scrap metal ay si Llana pero pilit na kinukuha ni Ramirez para ibenta.

Sa pagtatalo ay biglang sinaksak ni Ramirez si Llana sa tagiliran subalit sa kabila nito ay nagawang makipambuno kung saan naagaw naman ang patalim.

Nabatid na nagtatakbo si Ramirez subalit sinundan siya hanggang sa makorner at mapatay sa bahay ni Marial Cecilia Ga­licia.

Show comments