^

Metro

Mag-utol na holdaper, sugatan sa shootout

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang magkapatid na holdaper ang kapwa nasugatan matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Kapwa ginagamot sa Valenzuela City General Hospital (VCGH) sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sina James Alcantara, 24 at utol nitong si Joseph, 28. Pinaghahanap pa ang isang kasamahan ng mga ito.

Nasa ligtas namang kalagayan ang mga hinoldap na biktima na sina Jeff Llagono, 23; at Meldsky Domingo, 20, kapwa naninirahan sa naturang lugar.

Naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa harapan ng Our Lady of Lourdes College (OLLC) na nasa kahabaan ng Gen. T. de Leon Road ng nasabing lungsod.

Nabatid na sakay ng isang pampasaherong jeep ang pulis na si PO2 Sherwin Fajardo, nakatalaga sa Valenzuela City Police nang masulyapan nito ang ginagawang panghoholdap ng mga suspek sa mga biktima.

Agad na bumaba ng jeep ang pulis upang saklolohan ang mga hinoholdap ngunit hindi pa man ito nakalalapit ay agad na itong pinaputukan ni James na armado ng baril.

Hindi naman tumama ang pamamaril ni James dahilan upang gumanti ng putok ang pulis na nagresulta ng pagkakasugat nito habang tinangka umanong lusubin ng saksak ng screw driver ni Joseph si Fajardo ngunit bago pa man ito makalapit ay nabaril na ito sa hita.

vuukle comment

FAJARDO

JAMES ALCANTARA

JEFF LLAGONO

LEON ROAD

MELDSKY DOMINGO

OUR LADY OF LOURDES COLLEGE

SHERWIN FAJARDO

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY GENERAL HOSPITAL

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with