^

Metro

'Bruce Lee' wanted sa panloloob

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang lalaki na kapangalan ng namayapang action Chinese superstar na si Bruce Lee ang hinahanting ngayon ng pulisya, samantalang ang apat na kasama nito ay na­dakip matapos nilang looban ang bahay ng isang ginang kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Nakakulong ang mga suspek na sina Dario Urdaneja, 29-anyos; Jaymark Orbaneja, 19; Futoshi Aquino at Roberto Rapada, 22; habang pinaghahanap naman ang kasamahan ng mga ito na nakilalang si Bruce Lee.

Halos maiyak nang mag­harap ng reklamo sa Malabon City Police ang biktimang si Victoria Burce, 59, at residente ng Brgy.Tugatog, Malabon City nang matuklasan ang ginawang pagnanakaw sa kanyang bahay.

Ayon sa ginang, galing siya sa Floresco Funeral Parlor­ kung saan nakaburol ang kanyang asawa na kamamatay lamang nang magulat sa ina­butang nilooban sila at nawawala ang mahahalaga nilang gamit. Mabilis siyang nagreport sa pulisya na nagsagawa ng follow-up operation.

Isang witness ang nagsabi kung sinong grupo ang nanloob sa bahay ng ginang na rito nga nadakip ang apat habang nakapuslit naman si Bruce Lee.   

vuukle comment

BRUCE LEE

DARIO URDANEJA

FLORESCO FUNERAL PARLOR

FUTOSHI AQUINO

ISANG

JAYMARK ORBANEJA

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

ROBERTO RAPADA

VICTORIA BURCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with