^

Metro

Transport caravan, nagdulot ng matinding trapik

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Matinding trapik ang idinulot sa ilang mga lugar sa Quezon City, partikular sa may Quezon Memorial Circle, Quezon Avenue hanggang sa Mabuhay Rotonda sa naturang lungsod bunsod ng isinagawang transport caravan ng Pinagkaisang Sa­mahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston), kahapon ng umaga.

May 500 sasakyan ang nakiisa sa naturang caravan ng Piston upang ipro­testa ang walang puknat na pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo at pagbabasura ng Malakanyang sa oil de­regulation law na siya umanong ugat ng hindi mapigilang oil price hike.

Kaugnay nito, sinabi ni Piston Secretary General Goerge San Mateo na hindi pagsuspinde o pagkansela sa prangkisa ng mga nagsagawa ng caravan ang dapat maging banta ng LTFRB laban sa kanilang hanay kundi dapat ay kilalanin ng ahensiya ang kanilang karapatan na maihayag ang saloobin laban sa walang puknat na oil price hike.

Anya, hindi na maka­yanan pa ng isang driver na makapamuhay nang ma­­ayos dahil sa hirap ng estado ng buhay ngayon at sa epektong dinulot sa kanila ng pagtaas ng halaga ng diesel at gasolina.

ANYA

KAUGNAY

MABUHAY ROTONDA

MALAKANYANG

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISANG SA

PISTON SECRETARY GENERAL GOERGE SAN MATEO

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

QUEZON MEMORIAL CIRCLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with