^

Metro

2 holdaper bulagta sa shootout

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Napatay ang dalawa sa tatlong holdaper nang makipagpalitan ng putok sa mga pulis kasunod ng habulan, sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat, dead-on-the-spot ang mga suspect na sina Ray Ryan Muerong, 22, miyembro ng Sigue-sigue Sputnik gang at isang alyas “Benjie” na miyembro rin ng nabanggit na gang.

Kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa dibdib, ulo at bibig ang mga suspect, dahilan ng agaran nilang kamatayan.

Sa report, naganap ang insidente dakong alas-9:00 ng gabi sa kahabaan ng Yuseco St., Sta. Cruz, Maynila.

Una rito, dumulog sa pulisya ang biktima ng holdap na si Aileen Alvarez, 35, nurse na nabiktima siya ng mga suspect na sakay ng isang tricycle sa kanto ng Herrera at S. Reyes Sts., Sta. Cruz.

Nang puntahan ng mga pulis ang lugar, namataan ang nasabing tricycle na may lulang 3 lalaki sa madilim na bahagi ng Herrera St. na mistulang nag-aabang pa ng mabibiktima.

Nang matunugan na lalapitan sila ng mga pulis ay kumaripas ng takbo ang dalawa habang pinapaputukan ang mga pulis na napilitan na ring gumanti ng putok na ikinatama ng dalawa sa mga suspect.

Narekober mula sa mga suspect ang dalawang ka­libre 38 na paltik, isang Sony MP5, USB at isang bote ng pabangong “CK”.

Positibo namang kinilala ni Alvarez ang dalawang suspect na nangholdap sa kanya at tumutok ng baril habang patuloy pa ang pagtugis sa nakatakas na isa pang suspect.

vuukle comment

AILEEN ALVAREZ

CRUZ

HERRERA ST.

MAYNILA

NANG

RAY RYAN MUERONG

REYES STS

SUSPECT

YUSECO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with