Totoy inabuso ng bading sa loob ng bus

MANILA, Philippines -  Timbog ang isang bading matapos nitong abusuhin ang isang 14-anyos na totoy sa loob ng isang pampasaherong bus kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Nahaharap sa kasong sexual abuse in relation to child abuse ang suspek na si Rodolfo Patdo, 47 ng E. Rodri­guez, Brgy., Navotas City.

Ayon sa biktimang iti­nago sa pangalang Totoy, 14, alas-7:30 ng gabi, nakatabi niya ang suspek sa loob ng pampasaherong bus at pagsapit sa Caloocan City ay naglabas ng ari si Patdo habang nakatingin sa kanya. Dahil kokonti lang ang pasahero ay natakot ang biktima at tinangkang lumipat ng upuan­ papunta sa kanyang kuya subalit pagtayo ni Galupo ay pinisil ni Patdo­ ang puwet ng totoy.

Nagsumbong ang biktima sa kanyang kuya na naging dahilan upang magkagulo sa loob ng bus at pagtapat sa presinto ay bumaba ang magkuya bitbit ang suspek upang ireklamo.

Show comments