MANILA, Philippines - Muli na namang nagpatupad ng pagtataas ng presyo sa kanilang produktong petrolyo ang mga nangungunang kompanya ng langis. Ito na ang pang-11 beses na pagtataas sa presyo ng petrolyo ngayong taong 2011.
Dakong alas-6 ng umaga nang kapwa itaas ng Pilipinas Shell at Chevron Philippines ang presyo ng kanilang premium at unleaded na gasolina ng P.70 sentimos kada litro, P.85 kada litro sa regular na gasolina, P.20 sentimos kada litro ng kerosene at P.40 sentimos kada litro ng diesel.
Tumigil naman si Petron Corporation spokesman Raffy Jimenez sa pagpapadala ng advisory sa kanilang oil price increase ngunit inaasahan na susunod ang kompanya sa panibagong pag tataas.
Kasunod nito, inamin ni Department of Energy (DOE) Secretary Jose Rene Almendras na hindi mapipigilan ang pagtaas ng presyo ng gasolina hanggang may gulo sa mga bansa sa Gitnang Silangan at North Africa na nagpo-prodyus ng langis.