^

Metro

Presyo ng petrolyo muling tumaas

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines -  Muli na namang nagpatupad ng pagtataas ng presyo sa kanilang produktong petrolyo ang mga nangu­ngunang kompanya ng langis. Ito na ang pang-11 beses na pagtataas sa presyo ng pe­trolyo nga­yong taong 2011.

Dakong alas-6 ng umaga nang kapwa itaas ng Pilipinas Shell at Chevron Philippines ang presyo ng kanilang premium at unleaded na gasolina ng P.70 sentimos kada litro, P.85 kada litro sa regular na gasolina, P.20 sentimos kada litro ng kerosene at P.40 sentimos kada litro ng diesel.

Tumigil naman si Petron Corporation spokesman Raffy Jimenez sa pagpapadala ng advisory sa kanilang oil price increase ngunit inaasahan na susunod ang kompanya sa panibagong pag­ tataas.

Kasunod nito, inamin ni Department of Energy (DOE) Secretary Jose Rene Almendras na hindi mapipigilan ang pagtaas ng presyo ng gasolina hanggang may gulo sa mga bansa sa Gitnang Silangan at North Africa na nagpo-prodyus ng langis.

CHEVRON PHILIPPINES

DAKONG

DEPARTMENT OF ENERGY

GITNANG SILANGAN

KASUNOD

NORTH AFRICA

PETRON CORPORATION

PILIPINAS SHELL

RAFFY JIMENEZ

SECRETARY JOSE RENE ALMENDRAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with