Binata inutas sa harap ng gf

MANILA, Philippines - Utas ang isang binata matapos itong pagbabarilin sa harapan ng kanyang kasintahan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Namatay noon din ang biktimang si Ralph Campano, 21, ng Bagong Silang ng nasabing lungsod sanhi ng mga tama ng bala sa ulo.Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin. Naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa harapan ng tindahan ng kasintahan ng biktima sa nabanggit na lugar. Ayon sa ilang saksi, kasalukuyang nakikipagkuwentuhan ang biktima sa kasintahan nito nang bigla na lamang lapitan ng suspek na armado ng baril at walang sabi-sabing pinaputukan ito. Wala pang linaw sa motibo nang pagpatay.

Show comments