P14-M pekeng Guess products nasamsam
MANILA, Philippines - Tinatayang nasa P14-milyong halaga ng pekeng Guess products ang nasamsam ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa magkakasunod na pagsalakay kamakailan sa siyam na tindahan sa Maynila.
Kabilang sa nakumpiskahan ng nasabing produkto ang stall no. S15, Tutuban Cluster Mall, C.M. Recto Ave., Tondo; Geraldine U. Valasa Enterprises stall no. J-17, I-4 Tutuban CB2 Mall, C.M. Recto Ave., Tondo; E. Rocafor Enterprises & Eduardo Q. Rocafor, stall no. E-16, 17, Tutuban Center, C.M. Recto Ave., Tondo; M. Sames General Merchandise/Melanie Sames, stall no. 2G-1 Juan Luna Plaza, Binondo; owners at operators ng stall no. G9-7, Juan Luna Plaza, Juan Luna Street, Binondo; at may-ari ng unit no. 8S-11, 10S-12A, 10S-14A&B, Juan Luna Plaza, Juan Luna St., Binondo, Maynila.
Umaksiyon ang NBI sa reklamong idinulog ng kinatawan ng sole distributor ng Guess.
Nakumpiska ang NBI ng may 7,345 piraso ng pekeng Guess apparel na tinatayang nasa P14-milyon.
Pawang nahaharap ang mga may-ari ng establisimento sa kasong paglabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.
- Latest
- Trending