CAMANAVA area nakaranas ng brownout
MANILA, Philippines - Maraming lugar sa Metro Manila ang biglang nakaranas ng brownout kahapon ng hapon.
Kabilang sa mga lugar na nakaranas na brownout ay ang ilang bahagi ng Northern part ng Metro Manila, partikular ang Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) at ilang bahagi ng Bulacan.
Ganap na alas-2:03 ng hapon ng sunud-sunod na nakaranas ng pagkawala ng supply ng kuryente sa mga nabanggit na lugar na labis na ikinairita at ikinagalit ng mga residente dahil wala man lamang umanong ipinalabas na anunsiyo na magkakaroon ng “power cut off” sa kanilang lugar.
Kinumpirma naman ito ng pamunaun ng Meralco sa pamamagitan ng Manager for External Communication nito na si Mr. Joe Saldariaga at humihingi ng paumanhin sa kani-kanilang mga kostumer sa biglaang pag-trip off ng power supply sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Aniya, nagkaroon umano ng “authomatic low dropping” ng supply ng kuryente sa section 1 portion ng Meralco na siyang dahilan ng brownout sa mga nasabing lugar.
Ganap na alas-5:08 ng hapon ay naibalik naman sa normal ang supply ng kuryente sa lahat ng apektadong lugar.
- Latest
- Trending