^

Metro

Dalagita kinatay sa loob ng bahay

- Reinir Padua -

MANILA, Philippines - Isang 16-anyos na dalagita ang sinaksak at napatay sa loob mismo ng kanilang bahay ng suspect na sinasabing sinisisi ang una sa pagkamatay ng baby ng huli sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang biktima na nakilalang si Jonavie Suarez, ng Brgy. Payatas ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay PO2 Jogene Hernandez naganap ang in­sidente dakong alas-11 ng gabi sa loob ng kuwarto ng biktima. Pinagha­hanap naman ang suspect na kinilala lamang na BJ na residente rin sa naturang lugar.

Ayon kay Garda, ina ng nasawi na nakarinig umano siya ng ingay at pagkakagulo sa loob ng kuwarto ng kanyang anak na nang kanyang tunguhin ay doon niya nakita ang suspect na hawak ang isang duguang kutsilyo at nagmamadaling lumabas ng kanilang bahay.

Doon din niya nakita ang duguan niyang anak.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso kaugnay sa motibo sa pagpaslang sa biktima, gayunman sa inisyal na pagsisiyasat, sinisisi umano ng suspect ang biktima dahil sa premature birth ng kanyang (suspect) anak, na nasawi rin.

Hindi naman maliwanag kung paanong sinisisi ito sa pagkamatay ng sanggol.

vuukle comment

AYON

BRGY

GARDA

ISANG

JOGENE HERNANDEZ

JONAVIE SUAREZ

NAGTAMO

PATULOY

PAYATAS

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with